Office of the Solicitor General, pinapalayas na ang Sunvar Realty Development Corporation sa Mile Long property sa Makati

Manila, Philippines – Pinapalayas na ng Office of the Solicitor General ang Sunvar Realty Development Corporation mula sa kontrobersyal Mile Long property sa Makati City.

Ayon kay Solgen Jose Calida – Malaki ang utang ng Sunvar sa gobyerno mula pa noong 2003.

Umabot sa higit 1.6 billion pesos ang utang sa rental o upa at hindi pa kasama rito ang legal interest at buwis.


Tinawag pa ni Calida na ‘Skwater’ ang pamilya Prieto na may-ari ng Sunvar at Philippine Daily Inquirer.

Aniya, patuloy na nakikinabang ang kumpanya sa Mile Long property kahit paso na ang lease agreement nito noong Disyembre 2002.

Facebook Comments