Office of the Vice President, binuhay ang free antigen testing kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19

49

Nakapagtala na ng 191 na nagpositibo sa COVID-19 sa antigen test ang free mobile antigen testing service ng Office of the Vice President.

Ito’y mula sa 410 katao na nag-avail sa naturang free antigen test.

Partikular ito sa mga lugar kung saan gumulong ang swab cab kahapon sa bahagi ng Tandang Sora Avenue, Corner Visayas Avenue Extension sa Quezon City.


Una nang inanunsyo ni Vice President Leni Robredo na ibinalik nila ang swab cab services upang makapag-avail ang publiko sa gitna na rin ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 at ang pagpasok ng Omicron variant sa bansa.

Mag-iikot ang swab cab sa Quezon City mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para sa mga interesado, mag-pre-register lamang sa http://bit.ly/QCfreetest.



Ngayong araw, ang swab cab rollout ay nasa QCX site sa loob ng Quezon Memorial Circle.

Facebook Comments