Manila, Philippines – Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na maging pamilyar o kabisaduhin ang opisyal na balotang gagamitin sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – maaari nang tingnan ng mga botante ang itsura ng balota sa kanilang official website.
Nitong Sabado, inilabas ng Comelec ang templates ng official ballots na hinati sa iba’t-ibang rehiyon, probinsya at bayan o siyudad sa kanilang website.
Kasabay nito, pinalawig ng poll body ang timelines para sa verification, certification at paglalabas ng Posted Computerized Voters List o PCVL.
Ang bagong deadline para sa verification at certification ng PCVL ay iniurong sa mula February 7 hanggang March 25.
Bukod dito, ang posting ng certified PCVL ay ini-reset sa March 29 mula sa original schedule nito noong February 12.