Cauayan City – Naging matagumpay ang isinagawang Official launching ng 33rd North Luzon Area Business Conference kahapon ika-3 ng Hunyo sa Bamboo Conference Hall, Cauayan City, Isabela.
Dumalo sa naturang aktibidad ang mga opisyal ng Philippine Chamber of Commerce Industry o PCCI, kasama rin ang mga kawani ng DTI Region 2, at ang LGU Cauayan sa pamumuno ni City Mayor Hon. Jaycee Dy.
Isinagawa rin sa nasabing programa ang Signing of Memorandum of Agreement para sa gaganaping 33rd NLABC sa darating na ika-8 hanggang ika-9 ng Agosto na mayroong temang “Empowering North Luzon for Sustainable Future.
Ang aktibidad na ito ay magsisilbing plataporma upang ibida ang iba’t-ibang produkto mula sa iba’t-ibang panig ng Rehiyon Dos.
Inaasahan naman ang pagdalo ng mga National and International Investors maging mga businessman sa gaganaping aktibidad na silang posibleng mamumuhunan at magsimula ng negosyo dito sa lambak ng Cagayan.