Official report hinggil sa Recto Bank incident, handang isapubliko ni Pangulong Duterte

63

Nakatakdang isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard at Navy kaugnay ng Recto Bank Incident.

Sa ambush interview sa premier ng pelikulang “kontradiksyon” sa Mandaluyong City sinabi ng pangulo na inihahanda na ang official report ukol dito.


Pero sa ngayon, ang imbestigasyon pa lang ng Pilipinas ang kanyang hawak.

Matatandaang sinang-ayunan ni Pangulong Duterte ang hirit ng Beijing na joint investigation ng Pilipinas at China hinggil sa pagbangga at pag-abandona ng Chinese Vessel sa 22 mangingisdang Pinoy na lulan ng lumubog na fishing boat.

Bukas din ang pangulo na magkaroon ng neutral party sa imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers