
Hinihintay pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang official report ng kanilang aircraft investigators kaugnay ng bumagsak na Cessna plane sa Dinagat Islands.
Nauna nang kinumpirma ni Dinagat Islands Governor Nilo Demerey Jr. na natagpuan ang eroplano sa bulubunduking bahagi ng Barangay Navarro, Tubajon.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga aircraft investigator kasabay ng search at retrieval operations sa ground.
Hindi pa aniya maaaring maglabas ng detalye ang CAAP tungkol sa eroplano at mga sakay nito alinsunod sa data privacy regulations.
Ilalabas lamang ang opisyal na impormasyon sa pamamagitan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board.
Facebook Comments










