OFFLINE TEACHING MODULES, EPEKTIBO SA CORDILLERA AYON SA DEPED!

Baguio, Philippines – Sa isinasagawang pilot testing para sa blended learning approach sa mga piling paaralan sa Rehiyon ng Cordillera, nakikitang napaka-epektibong paraan ng Department of Education (DepEd) Cordillera, ang pagkakaroon ng offline teaching modules.

Ayon kay DepEd Public Information Officer, Georaloy Palao-ay, naobserbahan nila na ang offline module ang gagamitin sa halos ilang parte ng rehiyon kung saan naglalaman ang mga ito ng mga instructional content materials na nakapaloob sa USB, mga CDs at  printed worksheet materials na gagamitin ng mga estudyante depende sa asignatura at ang ilan ay nagsimula sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Dagdag pa nya na mayroong problema sa aplikasyon para sa online system lalo na sa lungsod ng Baguio at isa din problema ang pagpapa-abot ng learning modules sa mga lugar na madalang ang internet connection tulad ng Happy Hollow barangay kaya nakikipagtulungan na sila sa Philippine Army para sa pagpapa-abot ng mga nasabing learning materials, at para naman sa mga may malakas ang internet signal katulad sa Cresencia Village sa Guisad Valley, sinusubukan na ng piling paaralan doon ang online system.


Samantala, nagpapatuloy pa din ang pilot testing ng DepEd sa buong rehiyon para makita ang kapasidad ng ahensya, mga mag-aaral, mga guro at mga magulang na makikita sa pamamagitan ng evaluation  .

Facebook Comments