OFW, arestado sa buy-bust operation sa Zamboanga Del Norte

Nahuli ng mga tauhan ng ‭Dipolog City Police Station ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Sidlakan, Brgy. Turno, Dipolog City, Zamboanga Del Norte.‬

‭Kinilala itong si Abelardo D. Bantilan, 45-anyos, residente ng Purok Sidlakan, Brgy. Turno, Dipolog City.‬

‭Narekober ng mga pulis sa OFW sa isinagawang drug operation ang walong sachet ng shabu na may dangerous drugs board market value na ₱90,000 at ₱500 marked money.‬


‭Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Dipolog City Police Station para sa kaukulang disposisyon.‬

Facebook Comments