
Isang Overseas Filipino Worker na registered nurse ang nakabilang sa top 100 list of healthcare professionals ng isang international award-giving body.
Kinilala si Dan Lester Dabon, Chief Executive Officer at founder ng DLD Healthcare Consulting Service ng International Forum on Advancements in Healthcare (IFAH) sa ginanap na ceremony sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, USA.
Ayon kay Dabon, itinayo niya ang sariling healthcare consultancy firm sa Abu Dhabi dalawang taon na ang nakalilipas pero bago nito ay nagsimula siya bilang hospital nurse assistant sa nasabing bansa.
Nagtapos ang 32 anyos na si Dabon ng nursing sa Davao City noong 2010 at siya ang pinakabatang nakabilang sa top 100 healthcare leaders.
Facebook Comments










