Senator Richard Gordon, hindi muna pabor sakaling magbitiw sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III

Dapat sagutin na lamang ni Health Secretary Francisco Duque III ang Commision on Audit (COA)  sa halip na maging emosyonal.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na hindi pa naman tapos ang imbestigasyon at hindi sigurado kung si Duque mismo o ang mga tauhan ng kagawaran ang maaaring dawit sa mga anumalya.

Dagdag pa ng senador, mas dapat na pagtuunan ngayon kung nabibigyan talaga ng mga nararapat na benepisyo ang ating healthcare workers na higit isang taon nang lumalaban sa COVID-19.


Matatandaang sa isinagawang pagdinig kahapon sa kongreso ay naging emosyonal si DUQUE at inakusahan ang COA na winarak umano ang dignidad ng kanilang ahensiya.

Facebook Comments