OFW cash remittances nitong Abril, tumaas

Tumaas ang cash remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumago ng 4% ang perang ipinapadala ng mga OFW nitong Abril.

Pero mas mabagal ito kumpara 6.6% noong Marso dahil sa unemployment ban sa Kuwait noong nakaraang taon.


Sa kabila nito, sinabi ng BSP na tumaas ang year-on-year remittance ng mga OFW kung saan pumalo ito sa 2.7 billion dollars nitong Abril.

Sa unang apat na buwan nitong Enero, nasa 10.8 billion US dollars na ang kanilang remittances.

Ang paglago sa personal remittances ay dahil sa tuluy-tuloy na pagpasok ng remittance mula sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Nananatiling may mataas na overall remittance share ang US, Saudi Arabia, Singapore, UAE, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Qatar at Germany.

Facebook Comments