DILG, nanawagan na makiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bukas

Pinaaalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na makiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bukas, June 20.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – layunin ng aktibidad na masukat ang kakayahan at kahandaan ng mga Local Government Units (LGUs).

Paalala pa ni Malaya na magsagawa ng infrastructure audits sa mga pasilidad.


Hinihikayat din ng DILG ang publiko na makibahagi sa sabayang  earthquake drill dahil dito nasusukat ang mga lokal na pamahalaan sa pagtama ng mga sakuna.

Facebook Comments