Pumalo sa $2.6 billion ang cash remittances noong buwan ng Setyembre mula sa mga perang ipinapadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.
Tumaas ito ng halos 9.3 percent, higit na mas mataas kaysa noong mga nakakaraang buwan.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang bansa mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon ng halos $21.89 billion cash remittances.
Pero mababa pa rin ito ng 1.4 percent kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan na nasa $22.19 billion.
Facebook Comments