OFW Children’s Circle, ilulunsad ng OWWA

Nakatakdang ilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administrastion (OWWA) ang kauna-unahang “OFW Children’s Circle.”

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesman, layon ng programa na magabayan ang paghubog sa potensyal ng mga bata habang malayo sila sa kanilang mga magulang na kinakailangang magsakripisyo at magtrabaho sa ibang bansa.

Samantala, aprubado na ang P15 million na pondo para sa mga aktibidad ng OFW Children’s Circle.


Isasagawa ang pilot run nito sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Central Visayas at Davao Region.

Facebook Comments