PROBELMA SA PAMILYA AT PINANSYAL, DAHILAN NG PAGPAPAKAMATAY NG ISANG LALAKI

19
Problema sa pamilya at pinansyal ang umano’y motibo sa pagpapakamatay ng isang lalaki noong Hulyo 19,2022 sa Brgay. San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si Delson Santos Esperon, 41 taong gulang at residente ng Barangay Quezon, Cordon, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng PNP Cauayan, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima nakabitin sa loob ng tinutuluyang bunk house ng pagmamay ari ng isang hardware.

Una nang nakita ng kasamahan ng biktima ang bangkay na kaagad namang ipinaalam sa pulisya.

Sinubukang pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang DOA.

Naiuwi na ang bangkay ng biktima sa kanyang hometown sa Cordon, Isabela.

Facebook Comments