OFW deployment ban sa Libya, ipinatupad!

Ipinatigil muna ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Libya.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na civil war sa nasabing bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – ang pagpapatupad ng total deployment ban ay base sa naging konsultasyon nila sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Department of Foreign Affairs (DFA).


Aniya, hindi muna papayagang makabiyahe papuntang Tripoli at ilang lugar na pasok sa 100-kilometer radius nito ang mga Pinoy.

Nitong Lunes, matatandaang itinaas ng DFA sa alert level III ang sitwasyon sa Tripoli kasabay ng pagpapatupad ng voluntary repatriation sa mga OFW doon.

Nabatid na may 2,600 Pinoy sa Libya na karamihan ay mga medical at skilled workers.

Facebook Comments