Mahigit 350 na overseas Filipino workers mula sa iba’t ibang grupo ng mga OFW sa Asya, Europe, Middle East at North America ang dumalo sa idinaos na online forum na inorganisa ng United Filipino Global.
Layon ng forum na itaas ang kaalaman hinggil sa kung paanong mas mapoprotektahan pa ang karapatan ng Filipinos sa ibang bansa.
Sa nasabing forum nagpahayag din ng suporta ang grupo sa Bill No. 1949 ni Sen. Bong Go na layong magtatag ng Department of Overseas Filipinos.
Bilang panauhing pandangal sa nasabing forum, sinabi ni Go sa kaniyang pahayag na mahalagang magkaroon ng departmento na tututok sa proteksyon ng mga OFW na bumubuo na sa 10 porsyento ng populasyon ng bansa.
“Ito po ang gusto naming maibigay sa inyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng DOFil. Around 10% na kayo ng populasyon natin kung kaya’t dapat lang na mayroong iisang departamento na tututok sa inyong interes at mga pangangailangan,” ayon kay Go.
Sinabi ni Go na tama lang na magkaroon ng sariling departamento ang mga OFW lalo at napakalaki na ng kanilang bilang.
Binanggit din ni Go ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga OFW kung saan marami ang nawalan ng trabaho.
“Mga nakaraang buwan tinamaan tayo ng pandemya na hindi natin inaasahan. Napakarami pong OFWs natin na talagang naghirap kahit saan na lang sila nananawagan sa radyo, sa Facebook, at … sa TV. Minsan ang dami pong tumatawag sa akin,” dagdag ni Go. Sa ganitong pagkakataon ayon kay Go na mahalagang mayroong isang departamento at cabinet-level na secretary ng umaasikaso sa pangangailangan ng mga OFW.
Noong December 14, 2020, inihain ni Go ang SBN 1949 na layong magkaroon ng streamlining sa mga organisasyon at trabaho ng lahat ng government agencies na mayroong kaugnayan sa overseas employment at migration.
Layon ng ‘Department of Overseas Filipinos Act of 2020’ na agad matugunan ang problema at hinaing ng mga OFW.
Sinertipikahan ang panukala ilang urgent ni Pangulong Rodrigo…