OFW Help Desk, itinayo ng Muntilupa City Government

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang pagtayo nito ng OFW help Desk sa kanyang lungsod.

Sa isinagawang paglagda ng memorandum of agreement noong Martes, March 3, katuwang ng lokal na pamahalaan ng Muntilupa ang Department of Labor and Employment o DOLE; Philippine Overseas Employment Administration o POEA; Overseas Workers Welfare Administration o OWWA; at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ayon sa alkalde, layunin nito na para makaiwas at maproteksyonan ang kanyang mga residente laban sa mga illegal recruiters at employment agencies.


Layunin din nito anya ang matiyak na walang mabibiktima na mga taga Muntilupa sa kahit anong uri ng human trafficking.

Sa pamamagitan anya ng nasabing programa, mabibigyan ang mga Muntinlupeño ng access sa mga ligal na proseso sa paga-apply sa ibang bansa.

Ito ay para magkaroon din anya ng data base ang Muntinlupa City government sa mga OFW na residente ng nasabing lungsod.

Facebook Comments