Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang pagtayo nila ng OFW Help Desk sa kanyang lungsod.
Sa isinagawang pag-lagda ng memorandum of agreement noong March 3, sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Muntilupa, Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay mapoproteksyonan ng pamahalaan ang mga residente ng Muntinlupa laban sa mga illegal recruiters sa pamamagitan ng itatayong OFW Help Desk.
Layon din aniya nito na matiyak na hindi mabibiktima ang mga taga-Muntinlupa laban sa anumang uri ng Human Trafficking.
Sa pamamagitan aniya nito ay mabibigyan ang mga OFW na taga-Muntinlupa ng access sa legal na proseso sa pag-aapply sa ibang bansa at upang magkaroon din ng database o talaan ang Lungsod kung ilan ang OFW sa kanilang lungsod.