OFW ID card, sinimulan nang ipamigay – pero lawaran ni P-Duterte sa ID, pinuna

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Labor and Employment ang pamimigay ng OFW ID card o “iDOLE,”.

Pero may ilang pumuna sa disenyo ng card na makikita ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikita sa Facebook page ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang sample ng naturang OFW ID.


Una nang sinabi ni sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ang mga nagbabalik na OFWs o balik-manggagawa, ang unang makatatanggap ng iDOLE.

Bagaman ikinatuwa ng marami ang nakitang sample ng ID, may ilang pumuna sa larawan ni Duterte sa card.

Nang hingan ng reaksyon si Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. tungkol sa larawan ni Duterte sa OFW ID, sinabi nito na posibleng hindi ito alam ng pangulo.

Facebook Comments