Manila, Philippines – Maari nang makuha at magamit ng mga returning OFW o balik-manggagawa ang bagong iDOLE OFW ID card.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, III – bahagi pa lamang ito ng kanilang unang hakbang ng implementasyon.
Dagdag ng kalihim, nagsasagawa pa sila ng mga test para tiyaking ligtas ang database ng ID system para magamit na rin ito ng lahat ng OFWs.
Para makakuha ng I
D, gumawa ng account sa website: idole.ph at ibigay ang valid na overseas employment certificate number.
Ang iDOLE OFW I-D card ay libre sa mga OFW dahil pinopondohan ito ng OWWA.
Kasabay nito, patuloy na pinoproseso ng POEA ng *Overseas Employment* Certificate (OEC) para sa mga pilipinong balak magtrabaho abroad.
Facebook Comments