Nakauwi na ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na humingi ng tulong sa social media matapos siyang isauli ng kanyang employer at bugbugin ng isang staff sa kanyang ahensya.
Kasabay ni Evalyn Calma ang iba pang OFWs na hindi rin naging maganda ang karanasan sa Saudi Arabia.
Ayon kay Calma, nakatulong ang pagdulog niya sa social media dahil nakarating ito sa mga taong pumunta sa bahay ng amo para sagipin siya.
Sa Facebook post ni Calma noong May 30, ikinuwento niyang ibinalik siya ng amo dahil tamad umano ito at dahil kinuhaan niya ng litrato ang mga anak ng amo.
Dahil dito, binugbog siya ng isang staff sa ahensya at binantaan umano na ibibigay sa mas malupit na amo kung hindi babalik sa dating amo.
Facebook Comments