OFW na itinuturing na Bayani, Libre ang pagsasailalim sa Quarantine sa isang Hotel sa Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ni Isabela Governor Rodito Albano III na libre ang lahat ng gastusin para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na sasailalim sa Strict Quarantine sa isang pribadong resort na nakabase sa Bayan ng Cordon.

Ito ay matapos umani ng samu’t saring katangungan mula sa mga itinuturing na bayani ng bansa.

Ayon kay Gov. Albano, libre ang pagkain, bitamina maging ang hotel na kanilang tutuluyan at iba pang mga kakailanganin ng mga ito.


Dagdag pa ng Gobernador na hindi biro ang sakripisyo na ginagawa ng mga bayani ng bayan para makapagpadala lamang ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga estudyanteng hindi makauwi gaya ang mga nag aaral sa Baguio City at iba pa.

Sa ngayon ay skeletal force pa rin ang mga empleyado ng gobyerno.

Facebook Comments