Pansamantalang nakalaya ang Filipino worker na unang naaresto kasama ang isang Hong Kong national dahil sa kasong drug trafficking.
Ito ay matapos na magpiyansa ng aabot sa higit HK $10,000 (₱60,000) ang 40-anyos na Pinay.
Nabatid na ang naturang Pinay ay inutusan lamang ng kanyang dating amo na buksan ang warehouse nito at lingid sa kanyang kaalaman na pawang iligal na droga pala ang laman ng bodega.
Ayon sa Pinay, ang sinabi lamang sa kanya ng kanyang dating employer ay health powder ang laman ng warehouse.
Patuloy naman ang paglilitis sa kaso sa Tsuen Mun Magistrate Court.
Facebook Comments