General Santos City—Naging emosyonal si Jennifer Dalquez, ang OFW na nakaligtas sa death row sa Saudi Arabia na taga Barangay Labangal, Gensan nang Makita ang dalawa nitong anak.
Alas 4:00 ng hapon kahapon ng dumating si Dalquez kasama ng kanyang mga magulang sa Gensan Airport mula Maynila. Kung matatandaan na Nobyermbre uno ng dumating sa bansa si Dalquez matapos itong nakalaya sa pagkakabilanggo sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Rajima Dalquez ina ni Jennifer na labis labis na tuwa na nadama ni Jennifer nang makita ang dalawa nitong anak nang itoy sunduin ng mga ito sa airport, deretso sila sa kanilang bahay sa Barangay Labangal kung saan doon naman naghihintay ang iba pa nilang kaanak.
Sinabi ni Rajima na matapos pinangakuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng trabaho si Jennifer dito sa Gensan kasabay ng pagpupulong nila noong Martes, nag desisyon ito na hindi na muling magtrabaho pa sa abroad sa halip mananatili nalang ito sa Gensan para maalagaan pa nito ang kanyang mga anak.
Matatandaan na pinatawag ni pangulong Duterte si Dalquez sa Malakanyang noong Martes matapos na nalaman na nakauwi na ito ng bansa.