OFW na taga Gensan na binobogbog umano ng amo-nanghingi ng tulong

General Santos City—Isa na namang OFW na taga Gensan ang nakaranas ng pambobogbog mula sa kanyang amo sa Saudi Arabia.

Una nang nanghingi ng tulong sa OWWA at sa Agency ng biktima ang mga kaanak ng OFW na si Gemari Gocela, residenti ng Carcon village, Barangay Lagao Gensan matapos nalaman ang masaklap na sinapit nito sa bahay ng kanyang amo.

Sinabi ni Manuela Berdera ina ng biktima na may nakapagbigay ng impormasyon sa kanila na viral sa social media ang interview ng isang OFW sa kanyang anak na naglalaman ng pagsumbong nito sa mga pambobogbog ng kanyang amo sa kanya.


Sinabi din nito na hindi sya pinapakain at hindi rin binigay sa kanya ang kanyang sahod.

Nangako naman ang LMB Manpower agency na syang agency ni Gemari na irerescue nila ang biktima sa pamamagitan ng kanilang counterpart na agency na nasa Saudi Arabia.

Ayon kay Manuela na mas gustuhin pa nitong umuwi nalang sa Gensan ang kanyang anak sa keysa magtiis sa pambobogbog at pahirap ng kanyang amo. Napag-alaman na isang buwan palang na nagtatrabaho bilang Domestic Helper si Gemari sa Saudi Arabia.

Facebook Comments