Binawian na ng buhay bago pa man dumating sa UP Health Service ang 40 anyos na lalaking OFW na residente ng UP Diliman sa Quezon City.
Sa inilabas na UPD COVID-19 bulletin, ang pasyente ay dumating sa bansa noong March 20 mula Dubai.
Ilang araw pa lamang siya ng makaranas ng lagnat at LBM pero hindi ini-report ang kanyang kondisyon sa UP Health Service o Barangay Health Emergency Response Team para sa monitoring.
Bagama’t hindi nasuri ng mga doktor, ikinukunsidera ng UP COVID 19 Task Force na patient under investigation (PUIs) ang pasyente dahil sa ipinakitang mga sintomas at travel history.
Lahat ng close contacts ng namatay ay pinayuhan na sumailalim na sa 14-day home quarantine at imo-monitor ng public health unit ng UPHS.
Alinsunod sa payo ng QC Health Epidemiology and Surveillance Unit at QCDRRMO, agad na isinailalim sa cremation ang mga labi ng pasyente.