OFW na umano’y may kalaguyo sa Saudi Arabia, hinahanap na

Hinahanap na ngayon ng mga empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Al Khobar, Saudi Arabia ang Pinay na si Mary Joy Lansiso Mateo matapos siyang hindi umuwi sa bansa sa nakatakdang araw. 

Ayon kay Kristine Marie Sison, OIC Regional Director ng OWWA-12, gumagawa na sila ng paraan makuha si Mateo bago pa ito mailagay sa kostudiya ng Saudi government.

Matandaang kumalat sa internet ang retrato at bidyo ng pakikipagyakapan at halikan ng OFW sa isang Pakistani na naka-base din sa nasabing bansa.


(BABALA: SENSITIBONG VIDEO ANG INYONG MAPAPANOOD)

Mahigpit na ipinagbabawal sa Saudi Arabia ang pakikiapid at paggawa ng mga bagay na para lamang sa mag-asawa.

Sa inisyal na pagsisiyasat, inihatid na si Mateo ng employer niya sa airport para makabalik na sa Pilipinas pero tumanggi umano ito.

Samantala, kaligtasan pa rin ang hangad ni Noel Seromines, live-in-partner ni Mateo, sa kabila ng panlolokong ginawa ng Pinay domestic helper.

Paliwanag ni Seromines, hinihintay na ang Pinay domestic helper ng kanilang menor de edad na mga anak.

Facebook Comments