Mag-asawa, nanalo ng lotto ilang minuto matapos ideklarang wala ng cancer si misis

4408
(Image: HUW JOHN, CARDIFF 2019)

Nagdiwang ang mag-asawa mula Southwales, United Kingdom matapos manalo ng £1 million (P65.4 million) mismong araw nang ideklarang wala ng cancer si misis.

(Image: HUW JOHN, CARDIFF 2019)

Itinuturing na luckiest day nina David Price, 53; at Lynne Price, 55, ang ika-29 ng Oktubre ngayong taon dahil sa doble-swerteng natanggap.


Una nang ibinalita ni Lynne sa mga anak na all-clear na ang kanyang mammogram result matapos makipaglaban sa breast cancer mula taong 2015.

Sampung minuto makalipas, inanunsyo naman ni David na sila ang swerteng nabunot at nanalo ng ilang milyon sa Euromillions Millionaire Maker.

Kwento ni Lynne, “Ten minutes before he came through the door, I had opened a letter saying I’d had the all-clear on my mammogram for 4 years in a row. I was so chuffed but put it on the unit, got on with making dinner and then he came in with this news.”

Dagdag niya, “I was shaking and totally lost for words which never happens. I went and had a bath for two hours and just lay there trying to take it all in.”

Para naman kay David, mas magandang balita pa rin ang natanggap niya mula sa asawa nang malamang hindi na ito pahihirapan pa ng cancer na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina apat na taon na ang nakararaan.

“I went home to tell Lynne but she had some big news of her own. The letter saying she had the all clear is worth more than a million to me,” aniya.

Samantala, plano ng mag-asawa na mag-travel papuntang China at ipagdiwang ang kanilang 33rd anniversary.

 

Facebook Comments

From Advertisers