Manila, Philippines – Umabot sa kabuuang 10.4 billion US Dollars o kalahating trilyong piso ang ipinadalang pera ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas mataas ng apat na porsyento ang nasabing halaga kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2017.
Sa buwan pa lamang ng Abril, naitala na sa 2.6 billion US Dollars o P139 bilyong piso ang personal remittances ng mga Pilipino mula sa abroad.
Pinakamalaki rito ay mula sa Estados Unidos, Canada, Singapore, mga bansa sa Middle East, Japan at United Kingdom.
Facebook Comments