OFW remittances umabot na sa higit P900-bilyon

Umabot sa 17 billion dollars o higit 900 billion pesos ang cash remittances na ipinadala ng mga OFW sa unang pitong buwan ng 2019.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula sa nasabing halaga – 2.5% ay galing sa land-based workers habang 8.9% sa sea-based workers.

Ang US pa rin ang may pinakamataas na share ng remittances, kasunod ang Saudi Arabia, Singapore, UAE, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Germany, Kuwait.


Facebook Comments