OFW sa Dubai na COVID-19 survivor, matagumpay na hinarap ang pagsubok kahit malayo sa pamilya

Mahirap ang magkasakit pero mas mahirap na habang nasa ibang bansa ka dapuan ng sakit lalo na ng COVID-19.

Ito ang pinagdaanan ng isang technician at COVID-19 survivor na si Erwin Tolentino na kasalukuyang nasa Dubai.

Sa interview ng RMN Manila kay Tolentino, Abril noong tinamaan siya ng COVID-19 na sinasabing posibleng nakuha niya sa trabaho.


Kahit kasi nagpatupad na ng lockdown sa Dubai ay patuloy pa rin ang kanilang operasyon bilang maintenance at nagpupunta sila sa isang lugar na isinarado dahil sa kaso ng positibo sa virus.

Dasal at pananampalataya ang kanyang sinandalan dahil nakadagdag pa ang kalungkutan lalo na’t mag-isa lamang siya sa kwarto sa ospital at walang nakakausap kahit ang mga nurse at doktor.

Facebook Comments