OFW sa Hong Kong na na-infect ng COVID-19, nagpasaklolo para may matuluyan

Nagpapasaklolo ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong para sa kanilang matutuluyan matapos magpositibo sa COVID-19.

Karamihan sa OFWs na na-infect ng virus sa ikalimang wave sa Hong Kong ay pinaalis ng kanilang employers habang ang iba ay tuluyan nang tinanggal sa trabaho.

Ilan din sa OFWs ang nagrereklamo na hindi man lang sila binigyan ng pambili ng pagkain at gamot ng kanilang amo nang paalisin sila sa bahay.


Umapela na rin ang Asian Migrants Coordinating Body (AMCB) sa Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong na tulungan ang mga naapektuhang OFWs para makahanap ng matutuluyan habang nagpapagaling sa COVID-19.

Bukod sa OFWs, nakaranas din ng discrimination ang Indonesians at iba pang dayuhang domestic workers sa Hong Kong.

Facebook Comments