Natamaan ng tear gas ang isang OFW sa Hong Kong habang nakikipag-bonding kasama ang ilang kaibigan nitong Linggo, Oktubre 6.
Batay sa imbestigasyon, nalanghap ni Joy Palmera, ang tear gas na ginamit ng Hong Kong Police sa mga nagkikilos-protesta, dahilan para mawalan ito ng malay.
Kasama ni Palmera sa mga oras na ‘yun ang iba pang kapwa-OFW.
Katatapos lamang nila maglaro ng basketball at nagpapahinga sa isang playground sa distrito ng Wan Chai nang maganap ang insidente.
Hindi na umano nakapagtakip ng bibig si Palmera, ayon sa kaibigan nito.
Kaagad isinugod sa ospital ang 30-anyos na tubong-Davao.
Pahayag ni Welfare Attache Marivic Clarin, mabuti na ang kalagayan ni Palmera at nakalabas na siya ng pagamutan.
Facebook Comments