OFW sa Jeddah, namatay habang sumasailalim sa COVID-19 swab test

Pumanaw ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia sa gitna ng swab testing noong Hulyo 7.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos sa panayam ng GMA News, nagpaalam umihi ang hindi pinangalanang OFW, ngunit hindi ito nakabalik agad.

Sapilitan nang binuksan ang banyo kung saan nadiskubre ang Pinoy na nakahandusay at wala ng malay.


Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes, nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19 ang OFW sa parehong araw ng kanyang pagkamatay.

Kabilang ang biktima sa 75 na lalaking nasa kostudiya ng konsulado sa Jeddah.

Ayon pa sa DFA, 58 sa mga ito ang nagpositibo sa virus at dinala na sa hiwalay na quarantine facility.

Facebook Comments