San Manuel, Isabela – Nakulong ang isang OFW sa Brgy. District 3, San Manuel, Isabela dahil sa ginawa niyang pambubugbog sa isang batang kapit-bahay.
Ayon kay SPO3 Romeo Flores, Chief Investigator ng PNP San Manuel na ang akusado ay si Kenneth Paul Gamiz, tatlumput anim na taong gulang, may asawa, OFW at residente ng Sandiat East, San Manuel Isabela.
Aniya naareto si Gamiz sa pwersa ng San Manuel Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Francis Pattad, acting Chief of Police ng nasabing himpilan.
Nahuli si Gamiz sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Violations Against Women and their Children.
May nairekomendang piyansa na walumpung libong piso para sa pansamantalang kalayaan ni Gamiz.
Matatandaan na taong 2016 naganap ang ginawang pambubugbog ni Kenneth Paul Gamiz sa isang bata na kapit-bahay niya dahil sa umanoy pananakit sa kaniyang anak.
Pagbalik ng bansa ni Gamiz ngayong buwan ay isinilbi ang warrant of arrest sa kaniya kung saan ay dinala na sa San Manuel Police Station para sa tamang disposisyon.