Manila, Philippines – Makikipag pulong ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ambassador ng Kuwait sa Lunes hinggil sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang total ban sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers sa Kuwait.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, malinaw ang mensahe ng Pangulo na kung gusto ng Kuwait o alinmang bansa ang serbisyo ng mga Pinoy ay dapat tratuhin ang mga kababayan natin ng tama o sa makataong pamamaraan.
Hindi aniya robot o machine ang mga OFWs na kapag naswelduhan na ay maaari nang gawin kung ano man ang naisin ng employer nito.
Matatandaang kahapon sinabi ni Duterte na nais niyang ipatupad ang total ban sa OFWs sa Kuwait dahil sa sandamakmak na kaso ng sexual abuses sa mga Pinay OFW.