Pampanga – Mapapadali na ang pagpo-proseso at pagtugon sa mga kailangang serbisyo ng mga Overseas Filipino Workers. Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, bunsod ng paglulungsad ng OFW Welfare Center sa Pampanga.
Ayon sa kalihim, ilan sa mga serbisyong io-offer nito ay ang pagtitiyak ng eligibility ng mga OFW at pamilya ng mga ito para sa medical at bereavement assistance.
Ang center rin na ito ang magre-receive at magpo-proseso ng aplikasyon, at magri-release ng mga cheke, at tatanggap ng aplikasyon mula sa ibang programa at serbisyo ng OWWA.
Ayon kay Secretary Bello, plano din ng DOLE na magtayo pa ng limang OFW welfare center sa Mabalacat City, at sa mga munisipalidad ng Sta. Rita, Lubao, Macabebe, and San Luis, Pampanga.
Facebook Comments