OFWs na nagta-trabaho sa airport sa Qatar, walang nararamdamang tensyon sa harap ng lumalalang Gulf diplomatic crisis

130

Manila, Philippines – Normal at walang nararanasang tensyon ang mga Pilipinong nagta-trabaho sa airport sa Doha, Qatar.

Ayon kay Ren Gamboa, isa sa mga Pinoy na nagta-trabaho sa Qatar Airways sa Doha, maging ang nationals mula sa mga bansang kumalas sa diplomatic ties ay wala namang nararanasang harassment mula sa Qatar government.

Sa katunayan aniya, marami siyang kasamang Egyptians sa trabaho at hindi sila pinade-deport ng Qatar government bagamat kabilang ang Egypt sa mga kumalas ng alyansa sa Qatar.


Tiniyak din ng Filipina nurse sa Qatar na si Marivic Somido na normal din ang sitwasyon nila sa ospital na kanyang pinagta-trabahuhan.

Facebook Comments