Bossing Vic Sotto, excited na daw sa first baby nila ni Pauleen Luna

285

Manila, Philippines – Ito ang naging pahayag ni bossing Vic Sotto nang tanungin kung anong nararamdaman niya ngayon hinggil sa magiging baby nila ng asawang si Pauleen Luna.

Ayon kay bossing, muli daw siyang nakaramdam ng kaba kahit na ito na ang kaniyang pang-limang anak kung saan pinangalanan nila itong si Jessica Sotto.

Dagdag pa ni bossing, todo tutok din ang kaniyang misis na si Pauleen sa paghahanda sa paglabas ng kanilang baby at maging siya ay all-hands sa mga gagamitin nito.


Sa ngayon, on-going pa din ang ginagawang pelikula ni bossing kasama ang aktres na si Dawn Zulueta na ipapalabas sa metro Manila Film Festival.

Facebook Comments