Naglabas ng panuntunan ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA-Israel hinggil sa mga kwalipikadong Overseas Filipino Worker (OFW) sa Israel na makatatanggap ng Special Financial Assistance.
Ayon sa OWWA, kabilang sa mga Pilipino sa Israel na mabibigyan ng nasabing tulong-pinansyal ay ang mga sumusunod:
☑️ Ang mga lubhang naapektuhan ng marahas na pag-atake ng Hamas
☑️ OFWs na ang tirahan o worksite ay nasa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Israeli Defense Forces o IDF.
☑️ Mga Pinoy na-rescue ng IDF o na-evacuate sa mas ligtas na lugar.
☑️ OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa kaguluhan.
Ang kailangan lamang nilang gawin ay mag-email sa israel@owwa.gov.ph ng address ng kanilang pinagtatrabahuhan, kalagayan sa panahon ng kaguluhan, kasalukuyang lokasyon, at cellphone number.