PARA SA MALUSOG NA PISIKAL AT MENTAL, SAPAT NA TULOG ANG KAILANGAN AYON SA PHO-AKLAN

Kalibo, Aklan – Sapat na tulog lang ang kailangan ayon sa Provincial Health Office PHO-Aklan para sa mas malusog na pisikal at mental. Ang isang tao ay nangangailangan lang umanong matulog ng 7 hanggang 9 na oras para sa pagpapabuti ng ating pisikal at mental. Kaya kinakailangan lang aniyang pahalagahan at huwag tipirin ang pagtulog. Lagi lang umano nating tandaan na ang mental health ay kasing halaga rin ng pisikal na kalusugan.
Facebook Comments