Kongreso, pinasalamatan ni PBBM kasunod ng pagsasabatas ng Eddie Garcia Law

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kongreso kasunod ng pagsasabatas ng Eddie Garcia Law.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang batas ang magbibigay ng proteksyon sa libu-libong manggagawa sa industriya sa telebisyon at pelikula.

Dahil dito, makakatiyak na aniya ang mga manggagawa ng makataong working condition, magkaroon ng benepisyo at serbisyo.


Matatandaang isinulong ang Eddie Garcia Bill matapos pumanaw ang beteranong aktor na si Eddie Garcia nang maaksidente sa movie set sa Tondo, Maynila noong 2019.

Facebook Comments