OFWs na timaan ng COVID-19, lumagpas na sa 9,000 ayon sa DFA

Nalagpasan na ang 9,000 bilang ng kaso ng COVID-19 ng mga Pilipinong nagtatrabaho abroad ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na pahayag ng departamento nito lamang Sabado, mayroong 21 bagong kaso ng coronavirus na naitala ngunit wala namang naiulat na bagong rekord ng mga nasawi.

Nananatiling 634 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) ang namatay na sa naturang sakit.


Kaugnay nito, parehong 5,321 katao pa rin ang nakarekober mula sa COVID-19 at walang bagong naitatala.

Dagdag pa ng ahensya, patuloy ang kanilang pagpapaalala sa mga Pilipino abroad na parating makipag-ugnayan sa local health authorities para maiwasan ang bantang dala ng virus.

Malaking tulong din daw ito para tuluyang masugpo at malabanan ito.

Sa karagdagang ulat, nasa higit 3,000 Pinoy na may COVID-19 ang nagpapagamot habang nasa ibang bansa.

Facebook Comments