Mga nasampahan ng kaso dahil sa anomaliya sa SAP sa Western Visayas, umabot na sa 147

Kalibo, Aklan — Umabot na sa 147 ang mga nasampahan ng kaso dahil sa anomaliya sa distribution ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy sa Western Visayas. Sa nasabing bilang, 25 dito ang Punong Barangays, Barangay Kagawad- 42, Barangay Secretary- 27, Barangay Health workers – 7, Purok Leader – 5, Liaison Officer 6 CSWDO- 4, at Civillian. – 30. Ayon kay Lt. Col. Gervacio Balmaceda Jr., ng CIDG 6, meron na silang nai-file na 26 na kaso kung saan ang Bacolod City ang may pinakamarami na umabot sa 11, Negros Occidental 5, Iloilo Province 5, Iloilo City 3, tag-dalawa sa Capiz at Antique at isa sa Aklan.

Facebook Comments