Mga Pinoy, nananatili sa shelter sa Lebanon habang naghihintay ng kanilang flights pauwi ng Pilipinas

Nananatili sa shelter at Command Center ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Lebanon ang mga Pinoy na naghihintay ng kanilang repatriation.

Sa ngayon, 200 na mga Pinoy sa Lebanon ang naghihintay ng repatriation.

20 sa kanila ang paunang dadating sa bansa ngayong weekend.


Tiniyak naman ng OWWA na may sapat na pagkain at pangangailangan ang mga Pinoy na naiipit ngayon sa giyera sa pagitan ng Israel at Hezbollah ng Lebanon.

Tiniyak din ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na walang Pinoy sa shelter na nasaktan sa mga pambobomba ng Israel sa Lebanon.

Facebook Comments