OFWs sa Hong Kong, inalerto ng Konsulada ng Pilipinas sa libreng vaccination

Ikinalugod ng Consulate General ng Pilipinas sa Hong Kong ang gagawing pag-review sa mandatory vaccination order para sa mga domestic helper.

Sa isang statement ng Konsulada sa Hong Kong, pinasasalamatan nito si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam at ang gobyerno nito dahil sa kanilang pag-unawa sa kapakanan ng Filipino workers doon.

Handa naman ang Konsulada ng Pilipinas na makipagtulungan sa Hong Kong government at sa iba pang mga kinauukulang konsulada para sa pagbuo ng dayalogo hinggil sa mahalagang usapin.


Hinihikayat din ng Konsulada ng Hong Kong ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na samantalahin ang iniaalok na libreng bakuna ng gobyerno doon at makiisa sa boluntaryong vaccination program.

Facebook Comments