Nasawing PNP personnel dahil sa COVID-19, umabot na sa 57

40

May isa na namang Philippine National Police (PNP) Personnel ang nasawi dahil sa COVID-19.

Batay sa ulat ng Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force (ASCOTF), ang ika-57 na nasawi ay isang pulis na non-commissioned officer na taga-Central Luzon na namatay kahapon, May 4, 2021.

Samantala, umaabot na rin ngayon sa 20,769 ang kabuuang kaso ng COVID -19 sa hanay ng PNP makaraang madagdagan ng panibagong 158 na kaso.


1,626 naman sa mga ito ang aktibong kaso, 172 ang mga bagong gumaling sa virus kaya naman umabot na sa 19,086 ang total recoveries ng PNP.

Nagpapatuloy naman ang effort ng PNP para mabawasan ang mga PNP personnel na nagiging infected ng COVID-19.

Facebook Comments