OFWs sa Hong Kong, pinaalalahanan sa mahigpit na pinaiiral doon ang social distancing ngayong kapaskuhan

Pinaalalahanan ng Philippine Consulate ang Filipino Domestic Workers sa Hong Kong na mahigpit na sundin ang social distancing measures na pinaiiral doon.

Sa harap ito ng babala ng Hong Kong Government na magpapatupad sila ng kaukulang aksyon sa sino mang lalabag sa kautusan.

Partikular sa kautusan na nagbabawal sa pagtitipon-tipon kung saan hindi dapat lalagpas sa mahigit 4 katao ang dadalo sa gathering.


Ang mahuhuling lalabag sa social distancing measures ay pagmumultahin ng 5,000 Hong Kong dollars.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng infection lalo nat may mga naitala nang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Hong Kong.

Facebook Comments