Nagpaalala ang Filipino community leaders sa Hong Kong sa Overseas Filipino Workers (OFW) doon na tumalima sa mandatory COVID-19 test na pinaiiral ng gobyerno ng Hong Kong.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng infection doon kung saan umaabot na sa halos 6,000 ang kaso kada araw.
Ang hindi kasi tatalima sa mandatory COVID test ay may kaakibat na multa.
Pinapayuhan din ng Filipino community leaders ang Pinoy workers na palagiang i-check ang kanilang mailbox para hindi mahuli sa deadline na requirement ng health advisories ng Hong Kong at para makaiwas sa multa.
Facebook Comments